top of page

LANTAW

2022

Ang “Lantaw” ay isang salitang Bisaya na ibig sabihin ay tignan, masdan, o pansin. Bilang isang pandiwa, nangangahulugan din itong to foresee, to observe, to keep an eye on, at to overlook sa wikang Ingles. Sa paggamit ng salitang ito, ginagamit ng isang tao ang paningin o mata upang makita nang lubos ang isang detalye, imahen, o pangyayari. Sa konteksto ng produksyon ito, nangangahulugan ang Lantaw sa iba’t ibang magkakaugnay na pananaw:
 

Maiuugnay ito sa etimolohiya ng salitang teatro o theatre na mula sa salitang Griyegong “theatron” na ang ibig sabihin ay a place for seeing. Sa kasalukuyan, nagkaroon ng iba’t ibang pagpapakahulugan ng teatro at kung paano ginagamit ang iba’t ibang espasyong digital upang maging lunsaran ng mga naratibo at iba’t ibang uri ng pagtatanghal. 

 

Maiuugnay din ito sa proseso na pinagdaanan ng mga mag-aaral dahil nagkaroon sila ng iba’t ibang pamamaraan at konsepto sa kung paano buoin ang kanilang mga piyesa na adaptasyon mula sa mga orihinal na kwento ni G. Abdon Balde Jr. sa librong 100 Kislap. 

 

Maiuugnay ito sa pagbuo ng kanilang mga piyesa na kung saan ay nagkaroon sila ng oportunidad na silipin at tignan ang iba’t ibang kontekstong kinagagalawan ng lipunan sa pananaw ng kanilang mga karakter.

 

Maiuugnay din ito sa mataas at malalim na proseso ng paglikha dahil isa itong pagtatanghal binuo gamit ang iba’t ibang implikasyon sa pagbuo ng materyal, pagsulat ng monologo, adaptasyon sa teatro, at paggamit ng iba’t ibang kasangkapan sa pagbuo at pagganap ng karakter.

Untitled.png

TEASERS

  • PUP LOGO V2
  • TM LOGO V2
  • LANTAW LOGO
  • PM LOGO V2
  • BALINTATAW LOGO (6)
bottom of page